Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ninerbiyos si Senator Ronald `Bato’ Dela Rosa sa gagawing imbestigasyon ng international Criminal Court sa anti-drug war ng kaniyang administrasyon.
Mababatid na si Dela Rosa ang unang Philippine National Police Chief nang simulan ang anti-drug operations sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na handa niyang akuin ang buong responsibilidad sa anti-drug operations at wala siyang itinatago hinggil dito.
Iginiit pa ng Pangulo na walang mayayamang pilipino na sangkot sa iligal na droga. —sa panulat ni Hya Ludivico