Inamin ng Pangulong Rodrigo Duterte na nahihirapan siyang maisulong ang parusang kamatayan dahil sa ilang grupong tumututol dito.
Sinabi ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa ika-62 anibersaryo ng BJMP na nangungunang tutol sa parusang kamatayan ay ang simbahan na sinundan ng Bleeding Hearts at nang nagpapanggap umanong Libertarians.
Ayon sa Pangulo nakiusap din ang ilang bansa sa Europa na huwag isulong ang death penalty.
Hindi maitago ng Pangulo ang galit sa mga kriminal dahil sa kabila nang pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga ay marami pa ring insidente ng mga karumal dumal na krimen gaya nang sinapit ng pamilya Carlos sa San Jose Del Monte, Bulacan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte