Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng pamahalaan sa 15 mga Black Hawk helicopters.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang naturang hakbang ay bahagi ng pagpapalakas ng pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Paliwanag ni Nograles, 55 mga bagong helicopters ang inisyal na planong bilhin ng pangulo, pero 15 na lang na mga bagong helicopters ang bibilhin dahil may iba’t-ibang problema ang kinakaharap ng bansa gaya ng COVID-19 pandemic.
Mababatid na nuong nakaraang buwan ay bumagsak ang isang unit ng Huey helicopter sa bukidnon na siyang dahilan sa pagkasawi ng pitong katao.