Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng Bureau of Customs (BOC) na si Rey Leonardo Guerrero na barilin ang mga smuggler o mga nagpupuslit ng iligal na droga.
Ito, ayon sa pangulo ay dahil inatasan niya sa naturang puwesto si Guerrero na dati ring hepe ng militar upang linisin ang anumang uri ng korupsyon at katiwalian sa kanilang hanay.
Samantala muli ring nanindigan ang pangulo na walang kinalaman si dating Customs Chief Isidro La Peña sa umano’y bilyon-bilyong pisong halaga ng iligal na droga na nakalusot sa pag-iinspeksiyon ng Customs.
Magugunita ring sinabi ng Malakanyang na patuloy ang pagtitiwala ng pangulo kay La Peña sa kabila ng mga paratang laban sa kanya.