Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangamba ng mga taga-Bohol hinggil sa posibleng paghahasik ng lagim ng bandidong Abu Sayyaf sa kanilang lalawigan.
Pagtitiyak ng Pangulo, ginagawa ng mga awtoridad ang lahat ng paraan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan doon.
May kakayahan din aniya ang AFP o Armed Forces of the Philippines na malaman ang kinaroroonan ng mga bandido sa pamamagitan ng makabagong kagamitan tulad ng satellite.
Kasunod nito, inatasan ng Pangulo ang militar na pasabugin o gamitan ng kanyon ang mga Abu Sayyaf at huwag nang bigyan pa ang mga iyon ng pagkakataon na sumuko.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte