Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NBI at PNP CIDG na ipasara ang isang Religious Corporation dahil sa alegasyon ng investment scam.
Sa naging panayam ni Pastor Apollpo Quiboloy, sinabi ni Pangulong Duterte na malinaw na isang uri ng syndicated estafa ang ginagawa ng KAPA-Community Ministry International Inc.
Aniya, dapat kumilos ang pulisya at NBI para mapasara at arestuhin ang mga nasa likod ng KAPA.
Pinaalalahanan din ni Pangulong Duterte ang publiko laban sa mga Organisasyon o Kumpanyang nangangako ng napakalaking tubo sa kanilang ini-invest na pera.
Magugunitang noong Marso, nagpalabas na ng Cease and Desist Order ang SEC o Securities and Exchange Commission laban sa pangongolekta ng Investment ng KAPA nang walang lisensiya.