Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu na imbestigahan ang umano’y illegal logging at mining sa Cagayan Valley kasunod ng malawakang pagbaha na dulot ng bagyong Ulysses.
Sa isang situation briefing sa Tuguegarao City, binigyang diin ng Pangulo na bagama’t ilang beses nang natalakay sa mga pagpupulong ang isyu ay tila walang ginagawa ang mga kinauukulang ahensya ukol sa illegal na pagmimina at pamumutol ng puno sa bansa.
Pinatitiyak din ni Pangulong Duterte kay Cimatu na maililikas sa mas mataas na lugar ang mga residenteng nakatira sa mga flood-prone areas.