Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United Nations High Commissioner for Human Rights na maglagay ng satellite office sa pilipinas.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa harap ng usapin kaugnay ng P1,000 pondo na ibinigay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Commission on Human Rights o CHR.
Ayon kay Pangulong Duterte, maaaring sumama sa mga anti-drug operations ang mga tauhan ng UN Human Rights para magmonitor at tiyaking walang pag-abuso ang mga pulis.
Muli ring iginiit ng Pangulo ang paglalagay ng mga body cameras para sa mga pulis na sasabak sa operasyon.
Gayunman, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya bubuwagin ang CHR.
—-