Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibisita ito sa Marawi City sa ika-apat na anibersaryo ng paglaya nito mula sa mga terorista.
Sa isang recorded na talk to the people ng pangulo, sinabi nito na a-attend siya sa ribbon-cutting ceremony sa ni-rehabilitate na grand mosque.
Mismong si Housing Secretary Eduardo Del Rosario, pinuno ng Task Force Bangon Marawi ang nag-imbita kay Pangulong Duterte.
Una nang binanggit ng pangulo na pumunta ito sa Marawi noong panahon ng giyera lalo na ngayong payapa na ito mula sa kamay ng mga terorista.
Sa ngayon, sinabi ni Del Rosario na marami nang natapos na mga proyekto sa Marawi upang makabalik na sa normal na pamumuhay ng mga kapatid na muslim.