Iniisip lang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakaligtas na paraan kaya’t nagpasyang huwag munang mag modified general community quarantine (MGCQ) sa buong bansa.
Ayon ito kay Marinduque Governor Presbitero Velasco, Jr., pangulo ng League of Provinces of the Philippines matapos paboran ang naging desisyon ng pangulo.
Subalit, sinabi ni Velasco na dapat mabigyan ng karapatan ang LGU na magdeklara ng lockdown o mahigpit na quarantine system kung kinakailangan.
Kasabay nito, sang-ayon naman si Velasco sa paggigiit ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mabuksan na ang ekonomiya ng bansa.