Tinanggihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang bilateral talks na hiniling ni UN Secretary General Ban Ki-Moon.
Ayon sa Malacañang, masyado nang siksik ang schedule ng Pangulo para isingit pa ang pakikipag-usap kay UN Chief Ban sa kanyang pagdalo sa ASEAN Summit sa Laos dahil bibisita pa siya sa ibang mga bansa.
Kaugnay nito nanawagan si Presidential Spokesman Ernesto Abella na huwag gamitin ang pagtanggi ng Pangulo para gumawa ng mga ispekulasyon hinggil sa relasyon ng Pilipinas sa United Nations.
Napag-alaman ang giyera ng Pangulo laban sa illegal drugs ang dapat sanang agenda sa pulong ng pangulo at ni UN Chief Ban.
Una nang nagbabala ang Pangulo na handang kumalas sa UN ang Pilipinas sa harap ng pagpuna ng dalawang UN human rights experts sa extrajudicial killings na nangyayari sa Pilipinas.
United Nations
Ito ang unang pagkakataon na may isang pinuno ng bansa ang tumanggi sa imbitasyon ng United Nations.
Reaksyon ito ng UN sa pang-iisnab ni Pangulong Rodrigo Duterte sa alok na bilateral talks ni Secretary General Ban Ki-Moon.
Ayon sa tagapagsalita ni Ban na si Stephane Dujarric, hindi nagkaroon ng pagkakasundo sa iskedyul ang dalawang panig dahil sa nagsabi ang Pangulong Duterte na busy ito.
Matatandaang ang isyu sana sa drug policy at human rights ang magiging pangunahing agenda sana ng pulong ng UN Chief at Duterte.
By Len Aguirre | Ralph Obina