Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Energy Secretary Alfonso Cusi na ayusin, i-convene at pangunahan ang isasagawang national assembly ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) bukas, Mayo 31.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang himukin ni PDP-Laban party president at Sen. Manny Pacquiao ang kanilang mga miyembro na huwag dumalo sa pagpupulong.
Ayon kay Roque, idaraos ang assembly upang masuri o mabusisi ang suporta ng partido sa mga programa ni Duterte na siyang party chairperson.
Matatandaang nagpalabas ng memorandum si Pacquiao noong Mayo 25 na nagsasaad na hindi ‘sanctioned’ o walang kinalaman ang mga national party officers sa nasabing event.