Ipinaaaral na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagsasampa ng kaso sa kumpanya ng sigarilyo na Mighty Corporation na sinasabing hindi nagbayad ng tamang buwis at gumamit ng pekeng tax stamps.
Sinabi ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hinihintay na lang niya ang mga dokumento mula sa Bureau of Internal Revenue o BIR.
Matutulungan din, aniya, sila ng Department of Justice o DOJ upang palakasin ang kaso laban sa Mighty Corporation.
Ayon kay Panelo, posibleng isama sa kaso ang anggulong hindi kinasuhan ng Aquino administration ang Mighty Corporation kahit pa alam nitong hindi nagbabayad nang tama ang kumpanya.
Bukod sa kasong kriminal, maaari rin aniyang sampahan ang Mighty Corporation ng kasong sibil kung saan pinapayagan ng batas ang pagkakaroon ng settlement.
By Avee Devierte |With Report from Aileen Taliping