Nakatitiyak ang Malakanyang na ipag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay ng price cap sa karneng baboy at manok.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t hindi pa niya nakikita ang nilagdaang Executive Order ni Pangulong Duterte para rito.
Una rito, iminungkahi ng Department of Agriculture kay pangulong duterte na magpatupad ng price freeze sa ilang food items.
Kabilang dito, ang P270.00 kada kilong presyo ng kasim at pigue, P300.00 kada kilo sa liempo at P160.00 kada kilo sa manok.
Samantala, tiniyak din ni Roque ang tuloy-tuloy na programa ng pamahalaan para mapababa ang presyo ng mga produktong pagkain sa bansa.