Ipinahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagsabak sa 2019 Senatorial Elections ni Labor Secretary Silvestre Bello the third.
Pinalutang ni Pangulong Duterte ang ideya sa kanyang pagsalubong sa mga Overseas Filipino Worker sa Clark International Airport, Pampanga.
Gayunman, naniniwala si Bello na marahil ay nagbibiro lamang ang punong ehekutibo.
Nilinaw naman ng kalihim na wala siyang balak na tumakbo sa pagka-Senador dahil matanda na siya para sa nasabing pwesto.