Muling ipinakita at pinatunayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang hindi matatawarang dedikasyon para maprotektahan ang pera ng taumbayan o taxpayers money.
Ito ang inihayag ni reelectionist Senator JV Ejercito makaraang magpasya ang pangulo na i-veto ang mga unconstitutional realignment sa 2019 national budget
Ayon kay Ejercito, isa itong tagumpay hindi para sa Senado kundi para sa fiscal responsibility at kapakanan ng publiko at maaaring agarang kumilos ang pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga critical development project.
Ikinatuwa rin ng senador ang pag-veto sa unconstitutional realignment dahil meron nang magagamit na pondo para sa pagsusulong ng kalusugan ng publiko katulad ng P7 billion human resources for health program.
Magugunitang si Ejercito ang isa sa mga nagsulong ng universal health care law sa mataas na kapulungan ng Kongreso bilang chairman ng Senate health committee.