Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kaniyang pagtakbo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) na kaalyado ng political party ng ruling PDP-Laban.
Ayon kay Duterte, hindi niya inaabandona ang PDP-Laban dahil ang mga miyembro nito ang isa sa mga tumulong sakaniya sa mga programang inilulunsad sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Dagdag pa ng pangulo, pinahahalagahan niya ang pagiging loyal ng kaniyang mga party mates kung saan, kaniyang ipagpapatuloy ang kaniyang serbisyo bilang chairman at miyembro ng partido.
Sinabi din ni Duterte na political strategy ang dahilan kung bakit siya nasa ilalim ng PDDS upang magkaroon ng tiyansang manalo sa 2022 national elections.
Umaasa naman ang pangulo na magiging isa ang PDP-Laban at PDDS sa pangangampaniya at sa pagbibigay ng serbisyo sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero