Ipinangako ng Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin sa mga programa sa Bicol Region ang P46 billion na pondo ng Road Board.
Ito ayon kay Presidential Adviser for Bicol Affairs Marvel Clavecilla ay kapag tuluyang nabuwag ang Road Board.
Sinabi ni Clavecilla na ipinag-utos na ng pangulo ang pagsasa pinal ng listahan ng mga nasirang imprastruktura ng bagyong Usman para mapaglaanan ng pondo ng gobyerno.
Kasabay nito, ipinabatid din ni Clavecilla na ipinatawag niya ang lahat ng district engineers at NTC para maisaayos na ng mga telcos ang wires na nagkalat sa mga kalsada na nasira ng bagyo para masimulan na rin ng electric cooperatives ang pagbabalik sa normal ng power supply.