Ipinagdarasal ni Pangulong Rodrigo Suterte na mabilis na matapos ang giyera sa Marawi City para makapagsimulang bumangon muli ang mga mamamayang naapektuhan ng giyera.
Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang may mga taong namamatay lalo na sa mga ganitong pagkakataon.
Para aniyang kinukurot ang kanyang puso kapag nakikita ang mga mahihirap na maranao na wala namang pakialam sa giyera, subalit sila ang naunang naapektuhan.
Pero aminado si Pangulong Duterte na mahirap matapos agad ang giyera dahil hindi nila napagtantong napaghandaan ng husto ng mga terorista ang kanilang plano.
By: Aileen Taliping
Pangulong Duterte ipinapanalanging matapos na ang Marawi Crisis was last modified: July 2nd, 2017 by DWIZ 882