Itinanggi ng Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang makipag usap sa mga teroristang sumalakay sa Marawi City.
Kasunod ito ng pahayag ni Agakhan Sharief alias Bin Laden, isang Imam sa Islam na nagsabing nais umanong makipag usap ng Pangulo sa Maute Group.
Ayon sa Pangulo nagpapanggap ang nasabing Imam dahil kahit kailan ay hindi siya makikipag usap sa mga terorista at mga kriminal.
Marami na aniyang mga sundalo at pulis ang napatay sa Marawi City kayat imposibleng siya pa ang manghingi ng pabor para kausapin ang mga terorista.
Binigyang diin ng Pangulo na hindi niya hahayaan mamayani ang mga terorista dahil may mandato siyang ipatupad ang batas laban sa mga kalaban ng estado.
Kung siya ang masusunod iginiit ng Pangulo na nais niyang tapusin ang giyera sa Marawi City subalit kinakailangan munang matiyak na ligtas ang mga Pilipino laban sa mga terorista.
By Judith Larino / with report from Aileen Taliping
Pangulong Duterte itinangging gusto nyang makipag usap sa mga terorista was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882