Itinanggi ng Pangulong Rodrigo Duterte na manugang niya ang nagpapakilalang Lovely Duterte sa Bureau of Customs o BOC.
Kasunod na rin ito nang paglutang ng pangalan ng isang Lovely Duterte sa gitna ng imbestigasyon ng Senado sa kontrobersya sa BOC.
Sinabi ng Pangulo na January ang pangalan ng kaniyang manugang na asawa ni Davao Vice Mayor Paolo Duterte.
Nilinaw ng Pangulo na si Lovely ay unang asawa ni Paolo at matagal na silang hiwalay kaya’t wala na itong kaugnayan sa kanilang pamilya maliban sa pagkakaroon ng anak.
Sampung taon na aniya niyang hindi nakikita si Lovely na ngayon ay kasal na sa isang Sumera.
Sa kaso naman ng manugang na si Atty. Manases Carpio, asawa ni Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio inihayag ng Pangulo na wala siyang dapat ihingi ng dispensa dahil abogado ito at mayruong kliyente.
Iginiit ng Pangulo ang kahandaang magbitiw sa puwesto kapag napatunayang sangkot sa katiwalian ang mga anak subalit hindi ang kani kanilang mga asawa o kamag anak.
By Judith Larino / (Ulat ni Aileen Taliping)
SMW: RPE