Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kilala siyang Daniel “Snooky” Cruz na itinuturo ni Senador Antonio Trillanes na umano’y nagbigay sa kanya ng maling impormasyon kaugnay sa mga bank account ng senador sa labas ng bansa.
Noong Martes, sinabi ni Trillanes na nagbayad umano ang gobyerno ng 10 milyong piso upang makuha ang mga impormasyon ng kanyang umano’y mga bank account sa ibang bansa.
Giit naman ni Pangulong Duterte, ibang “Snooky” ang kanyang natatandaan at hindi ito gagastos para makakuha ng impormasyon.
—-