Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-atake sa malayang pamamahayag ang pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.
Matapos ang proclamation rally ng mga PDP-Laban candidate sa San Jose Del Monte City, Bulacan, pinabulaanan din ng pangulo na may kinalaman siya sa kaso ng international award winning journalist.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya alam na inaresto ang Rappler CEO ng National Bureau of Investigation at hindi kilala ang negosyanteng si William Keng na naghain ng cyber libel case laban kay Ressa at researcher na si Reynaldo Santos.
Kahapon ay nakalaya si Ressa sa mula sa NBI Headquarters sa Maynila matapos magpiyansa ng 100,000 pesos.
Nag-ugat ang kaso sa istorya ng Rappler noong Mayo 2012 kung saan nabanggit na ginamit umano ni dating chief justice Renato Corona ang sports utility vehicle ni Keng na sinasabing sangkot.