Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nagtatag ng davao death squad o DDS noong alkalde pa lamang ng Davao City.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya kailangan ang DDS dahil mayroon namang pulisya na nangangalaga sa kaayusan ng lungsod.
Hindi pa anya siya alkalde ay mayroon ng DDS noong panahon ng martial law na lumalaban sa mga sparrow unit ng mga rebeldeng komunista.
Sinabi ng Pangulo na alam ng mga matatandang residente ng Davao ang buong kuwento ng DDS at maari anyang tanungin ang isang Jun Ledesma na isang batikang journalist dahil naging bahagi siya nito.
Samantala, itinanggi rin ng Pangulo ang pahayag ni Retired SPO3 Arthur Lascañas.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping