Itinuturing na ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang narcotic country ang Pilipinas.
Sa kanyang pagbisita sa Ozamiz City kahapon, dito ay muling inamin ng pangulo na nagkamali siya sa kanilang pangakong tatapusin ang problema sa iligal na droga sa loob ng anim na buwan.
Paano ko makokontrol in 3-6 months, ang mga generals na pulis nandiyan, tapos ang Bureau of Customs, ‘yung ahensya na inaasahan ko… So how can I succeed even you give me the whole of my term? Inaamin ko nagkamali talaga ako, hindi ko talaga akalain ‘yang Bureau of Customs, akala ko kaalyado ko.
Sinisi ng pangulo ang ilang police generals at Bureau of Customs na mas nagpalala pa sa sitwasyon ng iligal na droga sa bansa ngunit nilinaw nitong hindi kasama dito si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Pero si Faeldon, he’s not the one. Si Faeldon, he has written me, asking me to relieve him, sabi niya hindi ko natupad ang pangako sayo. He was right. Itong Customs, parang X rated hardcore ito eh, it is corrupt to the core.
Sa nasabi ring pagtitipon ay muling ipinakita ng pangulo ang kanyang narcolist.
Kasabay nito ay nagbabala ang pangulo na kamatayan ang kahihinatnan ng mga masasangkot sa illegal drugs.
Kaya kapag ikaw, mayor ka, congressman ka, governor ka at mapatay ka.. pasensya ka, because that is my order
By Rianne Briones