Kakasuhan ng kampo ni self confessed hitman Edgar Matobato ang Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC o International Criminal Court.
Ang kaso ayon kay Atty Jude Sabio, abogado ni Matobato ay kaugnay sa tinaguriang crimes on humanity tulad ng pag torture at pagpatay.
Si Matobato ay una nang nag piyansa kayat nakalaya na sa kasong frustrated murder na isinampa ng DOJ kaugnay sa pag ambush kay Agrarian Reform Adjudicator Abeto Salcedo Jr. nuong October 2014.
By: Judith Larino