Umamin ang Pangulong Rodrigo Duterte sa tila pagla-lobby ng ilang miyembro ng gabinete na masibak ang kapwa cabinet member nilang si Health Secretary Francisco Duque III.
Subalit sinabi ng pangulo na walang dahilan para sibakin si Duque na aniya’y nagta trabaho lang naman.
Ayon pa sa Pangulong Duterte irerespeto niya sakaling magpasya si Duque na magbitiw subalit nahihiya siyang tanggalin ang isang tao na walang kasalanan.
Mismong siya aniya ang nangumbinsi kay Duque na samahan siya sa kanyang administrasyon.