Mag-aral ka muna.
Ito ang naging sumbat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Manny Pacquiao makaraang punahin ng senador ang paninindigan ng pangulo hinggil sa isyu ng pinag-aagawang teritoryong West Philippine Sea.
Sa naging panayam kay Pangulong Duterte ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi nito na ayaw naman niyang i-degrade ang senador ngunit sa susunod ay mag-aral muna ito ng husto hinggil sa foreign policy.
It’s about foreign policy. I would not want to degrade him, but next time he should… mag-aral ka muna nang husto,” ani Pangulong Duterte.
Magugunitang sinabi ni Pacquiao, na syang pangulo ng partidong PDP-Laban, na nakukulangan sya sa paninindigan ng punong ehekutibo kaugnay sa usapin ng maritime dispute sa China.