Ipinauubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang pagdedesisyon nito sa kanyang kapalaran.
Matatandaang nagbitiw sa pwesto ang nakababatang Duterte dahil sa delicadeza matapos na masangkot ang kanyang pangalan sa smuggling sa Bureau of Customs at problema sa kanyang sariling pamilya.
Ayon sa pangulo, nagkausap sila ng kanyang anak bago pa nito inanunsyo ang pag re – resign.
Pinayuhan ng pangulo si Paolo na gawin lamang kung ano ang sa alam niyang tama.
Tinukoy pa ng pangulo na posibleng napagod na ang kanyang panganay sa kinakaharap nitong mga problema na nadagdagan pa ng hindi nila pagkakaintindihan ng anak nitong si Isabelle.