Do not run.”
Ito, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang kanyang naging kahilingan nang kausapin nito ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte hinggil sa pagtakbong pangulo sa 2022 elections.
Pero si Inday, kagabi man ako dumating, si Inday kinausap ko talaga kagabi. Do not run, do not ever commit the mistake of running for the presidency,” ani Pangulong Duterte.
Sa panayam sa pangulo ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi nito na walang mapapala si Sara sa pagiging punong ehekutibo bukod sa pagkakaroon ng ‘sense of fulfillment’ sa paglilingkod sa bayan.
Binigyang-diin naman ng pangulo na hindi nito intensyong insultuhin ang mga Pilipino kaugnay sa kanyang naging pahayag.
I do not mean to insult the Filipino people. Wala ka talagang makuha, wala para sa iyo, except for one thing, yung sense of fulfilment mo sa kapwa mo na may nagawa ka,” ani Pangulong Duterte.
Samantala, sa kabila ng patuloy na pangunguna ng pangalan ni Sara Duterte sa 2022 presidential survey ng Pulse Asia, magugunitang una nang nagpapahayag ng pagtutol si Pangulong Duterte sa pagtakbo nito sa 2022 presidential elections nang sabihin nitong hindi para sa isang babae ang pagiging pangulo.