Dapat manahimik nalang si Vice President Robredo kung wala siyang masasabing tama sa ginagawa ng gobyerno.
Ito iginiit ng Pangulong Duterte sa kanyang ulat sa bayan kagabi, Marso 8, kaugnay sa pagsasailalim muna sa health technology assessment (HTAC) ang Sinovac vaccines bago i-roll out sa bansa.
I hope next time, kung wala naman siyang masabi na tama, she just maybe shut up,” ani Duterte
Ayon pa kay Presidential Spokesperson Harry Roque na recommendatory lamang ang HTAC para sa COVID-19 vaccines at maaaring hindi gamitin.
Dagdag pa ng Pangulong Duterte, na hindi daw binasa ni VP Robredo ang batas ng Universal Health Care law.
Hindi niya [VP Robredo] binasa ang batas na recommendatory lamang ang HTAC,” ani Duterte
Nagbibigay pa ng kalituhan at takot si Robredo sa mga Pilipino para suportahan ang vaccination program ng gobyerno.
Imbis makatulong si Vice President [Leni], she muddled up everything. Thereby, creating uncertainty and doubt in the minds of the people,” ani Duterte
Sa huli, muling hinimok ng Pangulong Duterte ang publiko na maniwala at sumunod pa rin sa gobyerno para malampasan ang malampasan ang hirap dulot ng pandemya.
Maniwala kayo at sumunod kayo sa gobyerno iyan ang sikreto diyan,” ani Duterte — sa panulat ni John Jude Alabado