Nagbigay ng thanksgiving dinner sa Malakanyang ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng gabinete niya, isang buwan bago siya bumaba sa pwesto.
Ayon kay Cabinet Secretary Melvin Matibag, ilang kanta ang inawit ng pangulo kabilang ang “Ikaw” sa saliw ng Philippine Philharmonic Orchestra para sa mga cabinet member kasama ang kanilang asawa.
Binigyang diin ni Matibag na ang nasabing dinner ay pagdiriwang at pagpapasalamat ng pangulo sa sakripisyo ng cabinet members sa nakalipas na anim na taon.
Kinilala aniya ng pangulo ang achievements ng administrasyon at nagpasalamat din ang pangulo sa mga asawa ng cabinet members na pinayagang mag serbisyo publiko.
Hindi naman masabi ni Matibag kung kagabi na ang huling pagkakataon na pupulungin ng pangulo ang kanyang cabinet members bago tuluyang maging private citizen na sa June 30.
Ibinahagi sa facebook ni CHEd Chairman Prospero Popoy De Vera, III ang ilang litrato at video ng pangulo sa pagho-host ng nasabing thanksgiving dinner.