Kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pagsita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay National Task Force To End Local Communist Armed Conflict Spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.
Ito ay matapos na balaan ni Parlade ang aktres na si Liza Soberano at Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanilang kaugnay sa grupong Gabriela na isa umanong komunista.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagsalita na ang pangulo hinggil sa usapin nang binalaan ni Lorenzana ang mga pulis at militar na maging maingat sa pag-red tagged.
Sinabi ni Roque, nais ng pangulo na itigil ng mga police at military officials ang pag-red tagged sa ilang mga indibiduwal o personalidad kung walang matibay na ebidensiya.
Iminungkahi pa aniya mismo ni Lorenzana ang tahimik na pagganap ng mga pulis at sundalo sa kanilang mga tungkulin kung saan hindi na kinakailangang isapubliko pa pagkakakilanlan ng sinomang pinaghihinalaang komunista