Welcome sa punong ehekutibo ang mga kaliwa’t-kanang community pantry sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ito’y ayon sa Palasyo sa gitna ng umano’y red tagging sa mga nag-oorganisa ng mga naturang community pantry.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang nananatili at paulit-ulit lamang nilang paalala ay ang mahigpit na pagsunod sa mga umiiral na health protocols kontra COVID-19.
Paliwanag ni Roque, walang masama sa ganitong hakbang dahil repleksyon lamang ito ng pagbabayanihan ng bawat Pilipino sa gitna ng pandemya.