Kulang sa giya ang Pangulong Rodrigo Duterte kayat nakapagbibitiw ito ng mga salitang hindi dapat.
Tinukoy ni Professor Clarita Carlos ang pahayag ng Pangulo na ipatitigil na niya ang military exercise sa pagitan ng bansa at ng Amerika.
Ayon kay Carlos, bagamat may bigat ang salita ng isang Pangulo, hindi naman napuputol lamang sa pamamagitan lamang ng salita ang malalim na alyansa ng Pilipinas sa Amerika.
Bahagi ng pahayag ni Professor Clarita Carlos
Ayon kay Carlos, bilang consultant ng presidential Commission on the Visiting Forces Agreement, saksi siya sa maayos na implementasyon ng mga tratadong pinasok ng Pilipinas sa Amerika.
Bahagi ng pahayag ni Professor Clarita Carlos
“Trabaho lang at resulta ang kailangan ng taongbayan”
Samantala, pinayuhan naman ni Carlos ang Department of Justice (DOJ) na tahimik na magtrabaho at isampa na agad sa korte ang kaso laban kay Senador Leila de Lima kaugnay sa alegasyong sangkot ito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Professor Carlos, nakakairita na ang mahabang drama sa mga alegasyon kay De Lima.
Mataas aniya ang expectation ng taongbayan sa bagong administrasyon, kayat nakakapanlumo na masyadong mababa ang diskurso sa isyung kinasasangkutan ni De Lima.
Bahagi ng pahayag ni Professor Clarita Carlos
By Len Aguirre | Ratsada Balita