Nakatakda nang tumulak patungong Philippine Rise si Pangulong Rodrigo Duterte mula Mayo 15 hanggang 16 o sa susunod na linggo.
Ito ang inihayag ng Malacañang bilang bahagi na rin ng unang anibersaryo ng paglagda ng Pangulo sa Executive Order 25 na nagpapalit sa pangalan ng Benham Rise sa Philippine Rise.
“The President will be commemorating the renaming of Benham Rise to Philippine Rise by visiting the Philippine Rise itself, and this is on May 15 to 16.”
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may 50 mga Pinoy scientist din ang kanyang ipadadala sa undersea plateau o talampas sa ilalim ng karagatan para magsagawa ng pag-aaral sa naturang lugar.
“The event will be attended by 50 scientists whom the President will be sending off as they start their scientific researches in Philippine Rise.” Pahayag ni Roque
Nakapaloob ang Philippine Rise sa 200 nautical mile na Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas na may kabuuang sukat na 13 ektarya kung saan, ginawaran ang Pilipinas ng sovereign rights sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea.
—-