Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang kaligtasan at bisa ng COVID-19 vaccine na Sinovac mula sa China.
Ito’y sa gitna ng kontrobersiyang kinahaharap ng Sinovac matapos itong makakuha ng 50. 4% na efficacy rate sa late-stage trial sa Brazil.
Ayon sa Pangulo, kasing husay ng Sinovac ang ibang bakuna na gawa ng mga amerikano at european at tiwala aniya siya sa kakayahan ng China.
Kumpiyansa din umano ang Pangulo sa kung anoman ang pipiliing bakuna ni Vaccine Czar Carlito Galvez.
The bakuna that Secretary Galvez is buying is as good as any other bakuna na na-imbento ng mga Amerikano o mga European. Hindi nagkulang ang Chinese, hindi sila nagkulang sa utak, bright itong mga intsik They would not venture kung hindi sapat, safe, sure and secure, yang tatlo that is the guarantee,” pahayag ng Pangulong Duterte.