Personal na nagpaabot ng pakikiramay at pagsimpatiya si Pangulong Rodrigo Duterte sa naulilalng pamilya ng yumaong si dating House Speaker Prospero Nograles.
Ayon sa pangulo, labis nyang ikinalungkot nang marinig ang ulat ng pagpanaw ni Nograles sa edad na 71.
Naniniwala si Pangulong Duterte na ang legacy ng pagiging tunay na boses ng mga Pilipino ng yumaong si dating House Speaker Prospero Nograles ay patuloy na magsisilbing inspirasyon para sa mga pulitiko sa bansa na nagnanais na pagsilbihan ng totoo ang mga Pilipino.
Umaasa naman ang pangulo na matatagpuan na ni Nograles ang eternal peace at kapahingahan sa piling ng amang nasa langit.
Samantala sinabi naman Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, maituturing na isang pride ng mindanao ang yumaong speaker na nagsilbing liwanag ng mga political leaders sa rehiyon ng Mindanao.
Gumawa aniya ng kasaysayan ang dating lider ng Kamara, nang mahalal itong representante ng Mindanao at makupo ang speakership ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Pahayag ni Panelo, tiyak aniyang hindi malilimutan ang mga naiambag ni former Speaker Nograles lalo na ng kanyang pamilya, mga kaibigan at mga constituents.