Kinumpirma ng Malakaniyang ang magkakasunod na biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan ng Abril.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, biyaheng China ang Pangulo sa Abril 9 hanggang Abril 10 para daluhan ang Boao Forum sa Hainan Province.
Kahalintulad ng world economic forum sa Davos, Switzerland ang Boao Forum na isa ring taunang pagtitipon ng iba’t ibang pinuno ng pamahalaan at mula sa sektor ng pagnenegosyo sa Asya.
Mula Hainan, didiretso naman ang pangulo sa Hongkong mula Abril 11-12 kung saan, makikipag-usap ang punong ehekutibo sa Filipino community doon.
Samantala, mula Abril 25-28 naman dadalo ang pangulo sa ika-32 ASEAN o Association of Southeast Asian Nation Leader’s Summit na gagawin sa Singapore.