Posibleng ipagpatuloy pa rin ng ICC o Inmternational Criminal Court ang imbestigasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng mga umano’y paglabag nito sa karapatang pantao.
Ito ang pananaw ng human rights lawyer at International Center for Transitional Justice Reparative Justice Director Ruben Carranza sa kabila nang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute.
Ayon kay Carranza, may mga nauna nang pangyayari kung saan ipinagpatuloy pa rin ng ICC ang pag-iimbestiga kaugnay ng mga isinampang kaso sa isang bansa sa kabila ng pagkalas na nito sa kasunduan.
Inihalimbawa ni Carranza ang kaso ng Burundi kung saan hindi napigilan ng kanilang pagkalas Rome Statute ang isinasagawang imbestigasyon ng ICC sa umano’y malawakang pag-atake ng kanilang pamahalaan sa mga sibilyan.