Maaaring ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reporma at pagbalasa sa PhilHealth kahit pa wala itong emergency powers.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ito’y dahil malawak na ang kapangyarihan ng pangulo.
Dagdag pa ni Sotto, maipag-uutos naman ito ng pangulo dahil nasa ilalim ng Office of the President ang PhilHealth.
Giit ni Sotto, napasisimulan na rin ang reporma, makaraang italaga si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran bilang president at CEO ng PhilHealth.
Kasunod nito, inihayag ni Sotto na nakipag-ugnayan na sa kanya si Gierran at humingi ng kopya ng committee report ng senado ukol sa katiwalian sa PhilHealth.
Samantala, pagtitiyak ni Sotto, magiging magandang gabay sa paglilinis ni Gierran sa PhilHealth ang senate report. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno