Tiniyak ng Malakaniyang na nasa mabuting kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos muling magpositibo sa COVID-19 si DILG Sec. Eduardo Ano na kamakailan lamang ay nakasama ng Pangulo sa ginawa nitong public address.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, regular ang pagpapa-swab test ni Pangulong Duterte kahit pa posibleng sumakit na ang ilong nito dahil sa ginagawang pagtusok dito na bahagi ng proseso.
Ipinabatid din ng kalihim na maging si Davao City Mayor Inday Sarah Duterte ay inoobliga na rin ang lahat ng papasok sa kanilang lungsod na magpa-PCR test sa loob ng 72 oras.