Aabot sa milyung-milyong pabuya ang ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa tukoy kung magkano ang eksaktong halaga na ibibigay na pabuya ng pangulo.
Bukod dito, tiniyak ni Roque na madadagdagan pa ang ibibigay kay Diaz.
Inamin din ni Roque na hindi sapat ang ayuda ng pamahalaan sa mga atleta ngunit maituturing na game changer ang pagkakapanalo ni Diaz sa olympics para sa bansa.
Sinabi rin ni roque na kung lalakihan ang ibinibigay na tulong at suporta sa lahat ng atleta ay posibleng marami ang mag-uuwi ng gintong medalya para sa Pilipinas.