Hihikayatin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese President Xi Jinping na makiisa na sa pagbuo ng code of conduct sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea at West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ng Pangulo nang makipag-usap ito sa Filipino community sa Da-Nang, Vietnam kaalinsabay ng kaniyang pagdalo sa APEC Summit.
Ayon sa Pangulo, magdaragdag siya ng dalawang oras sa kanilang bilateral meeting ni President Xi sa Sabado, Nobyembre a-onse para linawin na mismo rito ang tunay na estado ng usapin.
Bagama’t nilinaw ng Pangulo na hindi niya pipilitin ang China na tanggalin ang mga military facilities nito sa mga inokupahang isla, kaniya namang ipa-a-abot ang sentimiyento ng iba pang ASEAN member countries hinggil dito.