Hindi uurungan ng gobyerno ang mga banta sa ekonomiya na naka-sasagabal sa pag-unlad ng bansa partikular sa Mindanao.
Sa kanyang speech sa 51st Asian Development Bank Annual Meeting, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang kampanya upang sugpuin ang terorismo, iligal na droga at katiwalian.
Ilan lamang anya ang mga ito sa nagpapabagal sa takbo ng ekonomiya lalo sa Mindanao kaya’t wala siyang magagawa kundi maging marahas.
We are fully aware that when the civil order weaken, progress will no longer be possible. A nation’s progress can only be the result of strong institution’s leadership and governance. Our institution is affected by terrorism, also by drug syndicates and corrupt public servants. But to me. I would be harsh. Pahayag ni Pangulong Duterte
Samantala, ipinagmalaki ni Pangulong Duterte ang paglago ng ekonomiya dahil sa official development assistance na kasalukuyang ginagamit sa rehabilitasyon ng Marawi City na nasira sa limang buwang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at grupong Maute-ISIS.
Our efforts to achieve the highest growth rate benefits our strong support extended by friends in the region. Official development assistance grew to unprecedented level… rebuilding of Marawi illustrated this. The rehabilitation of Marawi has become an international effort. We are grateful for all the support. Paliwanag ni Pangulong Duterte