Nakatakdang magtalaga ng bagong undersecretary si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw.
Ito ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea ay upang mapangasiwaan ang national sumbungan hotline na 8888.
Sinabi ni Medialdea, nagpasiya ang pamahalaan na bumuo ng bagong tanggapan na tututok sa 8888 hotline lalo’t plano anilang magdagdag ng SMS o text messaging system dito.
Aniya, magiging pangunahing tungkulin ng itatatag na tanggapan ang i-monitor ang lahat ng natatanggap at nasasagot na mga reklamo mula sa taumbayan.
Magugunitang, binalaan kamakailan ni Pangulong Duterte ang PLDT na ipasasara kung hindi magdadagdag ng mga linya para sa 8888 hotline.
—-