Mainit na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Brunei Sultan Hassanal Bolkiah sa Malakanyang kaugnay ng state visit nito sa harap ng idaraos ding 30th ASEAN Summit and related meetings.
Dakong 2:00 ng hapon ng dumating sa Malacañang grounds si Bolkiah matapos ang wreath laying activity nito sa Rizal Monument sa Luneta.
Sa kanyang opening statement, sinabi ng Sultan ng Brunei na ikinagagalak nito na muling makabisita sa bansa.
“Thank you very much President Duterte for inviting me to make a state visit. It’s good be back in the Philippines once again, since my arrival I have seen many economic activities which should repeat development taking place in your country. I also admire the personal interest you have given in ensuring that such progress to benefits and improves the livelihood of your people. This afternoon, I look forward to our discussion in putting enhancing to much valued my later relation between our two (2) country”, pahayag ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah.
Sa bilateral meeting ng dalawang (2) lider, inaasahang mas pagtitibayin nito ang relasyon ng Pilipinas at Brunei.
Samantala, tatlong (3) head of state pa na miyembro ng ASEAN ang nais na makapulong ang Pangulong Duterte.
Kabilang dito ang mga lider ng Veitnam, Laos at Cambodia.
Ayon kay ASEAN 2017 Director General for Operations Ambassador Marciano Paynor, na titignan pa nila kung maisisingit ang bilateral meeting ng Pangulo sa mga nabanggit na state of heads.
Maliban kay Bolkiah, nakatakda namang makipagpulong bukas si Pangulong Duterte kay Indonesian President Joko Widodo.
By Ralph Obina