Lilinawin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese ambassador to the Philippines Huang Xilian ang isyu kaugnay sa sinasabing presensya ng 220 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kumpiyansa siyang maliliwanagan ang lahat sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-usap sa kaibigang bansa.
Magugunitang naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs dahil sa presensya ng mga barko ng China na hinihinalang militia.
Ngunit depensa ng China, nakisilong lamang ang kanilang barko dahil sa masamang lagay ng panahon.