Muling binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng pederalismo.
Sa kanyang talumpati sa Bukidnon, inihayag ng Pangulo na makikipag-usap siya sa kampo ni MNLF Founder Nur Misuari hinggil sa naturang usapin.
Isiniwalat ni Duterte na nagpaplantsa na ang MNLF ng kanilang federalism structure.
Dahil dito, iginiit ng Pangulo na hangga’t walang pederalismo ay hindi magkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao.
PAKINGGAN: Tinig ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jelbert Perdez