Ipinagdiriwang ngayong araw ng Simbahang Katolika ang Pope’s Day kaalinsabay ng pagdiriwang ng pista nila San Pedro at San Pablo.
Kahapon, pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang isang misa sa Manila Cathedral bilang bahagi ng okasyon.
Una nang kinumpirma ni Pastor Boy Saycon, miyembro ng binuong grupo para sa diyalogo ng simbahan at administrasyon na inimbitahan ni Papal Nuncio Archbishop Caccia si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa aktibidad kaugnay nito.
Ginawa ng Papal Nuncio ang imbitasyon sa harap na rin ng mga iringan sa pagitan ng Pangulo at ng Simbahang Katolika kasunod ng pahayag nito hinggil sa Diyos.
Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi siya nakatitiyak kung makapupunta ang Pangulo sa naturang okasyon dahil may mga nakalatag itong sariling aktibidad ngayong araw.
Natakdang tumulak patungong Leyte ngayong araw ang Pangulo upang bisitahin ang burol ng anim na pulis na napatay sa isang ‘misecounter’ sa Samar.
—-